^

PM Sports

Nakitaan ng galing ang Red Hot Water

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipakita ni Jonathan Bacaycay ang kakayahan pa ng Red Hot Water na manalo nang lumabas ang kabayo bilang longshot noong Martes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Walang ipinakitang magandang takbo ang Red Hot Water sa mga nagdaang karera at kahit sa huling karera noong Nobyembre 3 sa pagdiskarte ni Bacaycay ay nalagay lamang ang tambalan sa ika-12 puwesto na ginawa sa nasabing race track.

Ngunit sa karerang nilahukan ng walong kabayo na isang Handicap  Race 1-A sa 1,200-metro distansya ay lumabas ang dating pormang hinangaan sa kabayo para makapanggulat. Ang di inaasahang panalo ng Red Hot Water ay nagpasok ng P32.50 sa win habang ang forecast na 4-6 ay naghatid ng mas magandang P590.50.

Nakumpleto naman ng Seni Seviyorum ang inaasahang panalo sa kabayo nang dominahin ang special class division race one habang ang  Jaden Dugo ang lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo  na nangibabaw sa walong karerang naglaban. (AT)

vuukle comment

BACAYCAY

CAVITE

JADEN DUGO

JONATHAN BACAYCAY

NAIC

NAIPAKITA

NAKUMPLETO

RED HOT WATER

SANTA ANA PARK

SENI SEVIYORUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with