^

PM Sports

Cagayan kakapit sa pamumuno

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kakapit pa ang Caga­yan Valley sa unang pu­westo sa pagbangga sa wala pang panalong De­rulo Accelero sa pagpa­patuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup nga­yon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Galing ang Rising Suns sa 92-75 dominas­yon sa Arellano Universi­ty noong Martes upang iangat ang malinis na kar­ta sa 3-0.

Nakitaan ng galing ang mga collegiate pla­yers tulad nina John Pinto, Ken Ighalo Michael Ma-bulac at Prince Caperal upang may makatuwang ang baguhan ding si Don Trollano.

“Malaking tulong sa team ang magandang ipinakikita ng mga collegiate players namin kaya hindi masyadong ramdam ang kakulangan sa jelling,” wi­ka ni Rising Suns assistant coach Toto Dojillo.

Ang laro ay magsisi-mu­la dakong alas-4 ng ha­pon at ang Oilers ay mag­sisikap na tapusin ang tatlong sunod na pagkatalo.

Kailangan ni coach Paolo Mendoza na ma-ha­napan ng solusyon ang malamyang laro ng bataan na kung saan nasa 27.5 ang losing average ng koponan sa Boracay Rum at Cebuana Lhuillier.

Babangon naman ang Boracay Rum mula sa pagkatalo sa huling laro sa Café France sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali habang ikatlong panalo sa apat na laro ang pagsisikapang tuhugin ng Zambales M-Builders sa Arellano University sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.

Sina Chris Banchero, Ken Acibar at Mark Belo ang mga mamumuno sa Waves para maisantabi ang 85-87 pagyuko sa Blackwater Sports sa huling asignatura.

 

ARELLANO UNIVERSI

ARELLANO UNIVERSITY

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

DON TROLLANO

RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with