^

PM Sports

Anong mayroon si James Forrester?

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sino nga ba si James Forrester at bakit pinili ng Barangay Ginebra na ipamigay sina Rico Maierhofer at Willy Wilson sa Barako Bull bilang No. 4 overall pick?

Kung si head coach Ato Agustin ang uusisain ay maiintindihan mo kung bakit hinugot nila si Forrester, ang sinasabing ‘surprise pick’ sa 2013 PBA Rookie Draft kahapon.

Inilarawan ni Agustin ang 6-foot-2 na produkto ng Arellano University Chiefs sa NCAA na parang si Sol Mercado ng Globalport.

“Si Forrester... kita naman, energy at hustle, parang nakikita ko ‘yung energy ni Sol Mercado sa kanya,” wika ni Agustin sa Fil-Canadian wingman.

Maliban sa NCAA, kumampanya din si Forrester sa PBA D-League para sa koponan ng Cagayan Valley.

Ipinagmalaki naman ni dating PBA forward Alvin Teng ang pagkakahugot sa kanyang anak na si Jeric Teng ng Rain or Shine bilang No. 12 overall pick.

“Siyempre, masayang-masaya kasi may anak na akong maglalaro sa PBA after ako,” wika ng 6’4 na si Alvin Teng sa 6’1 na si Jeric Teng na sinuporta-han din ng kanyang kapatid na si Jeron Teng ng 76th UAAP champions La Salle Green Archers.

“We’ll just be here to support him,” sambit ng 6’3 na si Jeron sa kanyang kuyang si Jeric ng UST Tigers na kanyang tinalo sa nakaraang UAAP Finals.

AGUSTIN

ALVIN TENG

ARELLANO UNIVERSITY CHIEFS

ATO AGUSTIN

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CAGAYAN VALLEY

FORRESTER

JERIC TENG

SOL MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with