^

PM Sports

Be Humble wagi sa Don Juan Derby

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napanatili ni Jeff Zarate ang init ng takbo ng Be Humble upang mapagharian ang 12th Don Juan Derby noong Linggo sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Naorasan ang kabayong pag-aari ni Ruben Dima­cu­ha ng 2:02 sa kuwartos na 25, 23’, 24’, 23, 26 para iuwi ang P900,000.00 gantimpala.

Nakuntento ang Basic Instinct sa P337,500.00 prem­yo, habang ang Boss Jaden at Sky Dragon ang kumumpleto sa datingan ng apat na kabayo.

Si Zarate ang pinakamakinang na hinete sa araw na isinelebra ang Klub Don Juan De Manila Derby dahil dalawa pa sa limang malalaking stakes races na pinag­labanan ang kanyang napanalunan.

Bago ang Be Humble ay naipanalo ni Zarate ang Mr. Bond sa KDJM Juvenile Colts, habang ang Crucis ang kanyang pangatlong panalo sa Don Antonio Florendo Sr. Golden Girls Stakes race.

Ito ang ikaapat na stakes win ng Crucis sa taon ma­tapos hiyain ang laban ng Sliotar at  nagkahalaga ito ng P300,000.00.

vuukle comment

BASIC INSTINCT

BE HUMBLE

BOSS JADEN

DON ANTONIO FLORENDO SR. GOLDEN GIRLS STAKES

DON JUAN DERBY

JEFF ZARATE

JUVENILE COLTS

KLUB DON JUAN DE MANILA DERBY

MR. BOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with