^

PM Sports

3 trainers milyonaryo na

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlo pang trainers ang nasama na sa millionaire’s list sa talaan matapos ang buwan ng Agosto.

Sina RR Yamcao, Confado Vicente at Jecli Lapus ay nakasama na nina Ruben Tupas at Dave dela Cruz na kumita na ng mahigit isang milyon matapos ang unang walong buwan.

Umangat mula sa ikaapat na puwesto tungo sa pa-ngatlong puwesto si Yamco matapos kumabig ng 12 panalo upang magkaroon na ng 60 unang puwesto, 66 segundo, 64 tersero at 58 kuwarto puwesto at manalo na ng P1,160,681.12.

Bumaba si Vicente sa ikaapat na puwesto mula sa dating pangatlo  sa P1,146,091.73. May 62 panalo, 65 segundo, 64 tersero at 47 kuwarto puwestong pagtatapos ang mga kabayong sinanay ni Vicente.

Si Lapus na isa ring horse owner ang kukumpleto sa unang limang puwesto sa P1,014,464.56 kinita mula sa 48 panalo, 65 segundo, 82 tersero at 69 kuwarto puwestong pagtatapos.

Una pa rin si Tupas sa kanyang hanay at siya rin ang kauna-unahang trainer na kumita na ng mahigit na dalawang milyon sa P2,108,234.01 mula sa 100 panalo, 89 segundo, 98 tersero at 68 kuwarto puwestong pagtatapos.

Si Dela Cruz ay nasa ikalawang puwesto pero siya ang may pinakamaraming panalo sa 106 bukod pa sa 108 segundo, 102 tersero at 93 kuwarto puwesto para sa P1,760,515.11 kita na.

Inaasahang masasama na sa susunod na talaan sa mga kumabig na ng milyong piso si Johnny Sordan na ngayon ay may P973,053.06 premyo sa 64-38-40-50 karta. Si DS Sordan ang nasa ikapitong puwesto sa P889,957.36 (60-48-41-25), bago sumunod sina Rey Henzon sa P859,287.76 (45-54-47-42), MM Vicente sa P782,575.89 (49-44-57-64) at AC Sordan Jr. sa P778,377.32 (49-33-45-48).

vuukle comment

CONFADO VICENTE

JECLI LAPUS

JOHNNY SORDAN

PUWESTO

REY HENZON

RUBEN TUPAS

SI DELA CRUZ

SI LAPUS

SORDAN JR.

VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with