Pacquiao-Bradley rematch hindi tiyak ni Arum na mapaplantsa
MANILA, Philippines - Kahit manalo si Manny Pacquiao kontra kay BranÂdon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24 ay wala pa ring katiyakan kung maitatakda ang rematch ng Filipino boxing superstar kay Timothy Bradley, Jr.
Ito ang inamin ni Bob Arum ng Top Rank ProÂmoÂtions sa panayam ng BoÂxingScene.com.
Sinabi ni Arum na hinÂdi pumatok ang laban niÂna Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Bradley (31-0-1, 12 KOs) noong Hunyo 9, 2012 kung saan tinalo ng American ang FilipiÂno world eight-division chamÂpion para agawin ang World Boxing OrgaÂniÂzation welterweight belt via split decision.
“If Pacquiao beats Rios -- I don’t know wheÂther or not that fight (Pacquiao-Bradley) could be made,†wika ni Arum. “I just don’t know.â€
Matapos talunin ni BradÂley ay pinatumba naman si Pacquiao ni Juan Manuel Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong DisÂyembre 8, 2012.
Noong Linggo ay tiÂnalo ng 30-anyos na si BradÂley ang 40-anyos na si Marquez via split decision.
Pag-aagawan ng 34-anyos na si Pacquiao at ng 27-anyos na si Rios (31-1-1, 23 KOs) ang WBO International welÂterÂweight belt sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa MaÂcau, China.
Kapwa nasa kasagsagan ng kanilang pag-eensayo sina Pacquiao at Rios.
Samantala, dahil sa kaÂbiguan ni Marquez kay Bradley ay tumaas ang ranggo ni Manny PacÂquiao sa listahan ng Sports Illustrated.
Umakyat si Pacquiao sa No. 3 mula sa pagiging No. 4 na dating kinalalagyan ni Marquez.
Posible pang umakyat sa No. 2 si Pacquiao kung mananalo kay Rios.
Nahulog si MarÂquez sa No. 6 kasuÂnod si daÂting unified world super banÂtamweight titlist Nonito ‘The FiÂlipino Flash’ DoÂnaire, Jr. sa No. 7.
Nakatakdang labaÂnan ng 30-anyos na si DoÂnaire (31-2-0, 20 KOs) ang 37-anyos na si Vic DarÂchinyan (39-5-1, 28 KOs) ng Armenia sa rematch sa isang non-title, featherweight fight sa Nobyembre 9 American Bank CenÂter sa Corpus Christi, TeÂxas.
- Latest