^

PM Sports

25 golds o higit pa ang dapat makuha sa Myanmar SEA Games

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi dapat bumaba sa 25 ginto ang medal-yang mapapanalunan ng pambansang delegasyon sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.

Sa panayam kahapon kay PSC chairman Ricardo Garcia, binanggit niya ang bilang na ito base sa kanilang pag-aaral sa performance ng mga atletang nasa talaan ng isasali sa SEA Games.

“Ang mga prospective gold medals sa nakita na almost sure is 25 gold medals. Outside of that, may mga iba pa na may dagdag dito, dagdag doon. So we are looking at the prospect of winning 35 to 40 gold medals,” wika ni Garcia.

Ang mga atletang binigyan ng international training o exposures ang siyang sinasandalan ng PSC na magde-deliver at binanggit niya ang mga sport ng taekwondo, wushu at sailing sa mga hahatak ng ginto.

Bukod pa ito sa athle-tics na nagsasanay sa Baguio sa ilalim ng American coach na si Ryan Flaherty.

Nasa 208 ang bilang ng atleta na isinama sa talaan na ilalaban sa Myanmar at kung makuha ang 40 ginto ay lalampas ito ng apat sa 36-gold na napanalunan ng bansa sa Indonesia noong 2011.

“May mga nakita pa kami na puwedeng pagkuhanan ng gintong medalya  and there is a big possibi-lity of winning more gold medals now than last year considering that we have a very lean number,” pahayag pa ni Garcia.

Noong 2011 ay uma-bot sa 512 atleta ang inilaban sa 39 sports at ang kabuuang bilang ng dele-gasyon ay nasa 652 at nag-uwi ito ng 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze medals para malagay ang Pilipinas sa ikaanim na puwesto lamang.

Ang delegasyon nga-yon ay kabibilangan din ng 77 opisyal habang may idaragdag pa na kasapi ng secretariat, ngunit nakikita ni Garcia na nasa 300 ang magiging opisyal na bilang ng delegasyon.

 

BUKOD

DISYEMBRE

GARCIA

GOLD

MYANMAR

NOONG

PILIPINAS

RICARDO GARCIA

RYAN FLAHERTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with