^

PM Sports

Mas exciting ang panalo ni Doliguez kay Caro

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumpara sa naging laban nina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez, mas naging maaksyon naman ang non-title fight nina Jun ‘Hercules’ Doliguez ng Sarangani Province at Giovanni Caro ng Mexico.

Tinalo ni Doliguez si Caro sa ika-2:53 minuto ng sixth round para sa kanyang TKO (Technical Knockout) victory sa kanilang six- round featherweight bout sa undercard ng Bradley-Marquez championship fight na ginanap sa Las Vegas, Nevada.

Itinaas ng 22-anyos na si Doliguez ang kanyang ring record sa 17-0-2 win-loss-draw record kasama ang 13 KOs kontra sa 24-14-4 (19 KOs) ng 29-an-yos na si Caro.

Ilang matutulis na head shots at left straight ni Doliguez ang nagpadugo sa mukha ni Caro sa fifth round.

Sumabay si Caro, natikman ang kanyang pangatlong sunod na kabiguan, kay Doliguez bago tamaan ng isang mabigat na left hand sa sixth round.

Nakatayo pa ang Mexican hanggang muling kumonekta si Doliguez ng isang left straight sa huling pitong segundo para tuluyang ipatigil ni re-feree Vic Drakulich ang laban.

 

BRADLEY-MARQUEZ

CARO

DOLIGUEZ

DRAKULICH

GIOVANNI CARO

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

SARANGANI PROVINCE

TECHNICAL KNOCKOUT

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with