^

PM Sports

NBA preseason games San Antonio pinakitaan ang CSKA Moscow

Pang-masa

SAN ANTONIO -- Nagtala si Manu Ginobili ng 14 points, 5 rebounds at 4 steals at nagdagdag naman si Patty Mills ng 14 points para tulungan ang San Antonio Spurs sa 95-93 overtime victory kontra sa CSKA Moscow sa kanilang pre-season game.

Ito ang unang laro ng Spurs matapos matalo sa nagkampeong Miami Heat sa nakaraang NBA Finals.

Naglaro ang mga starters ng San Antonio sa dala-wa at kalahating quarters laban sa CSKA Moskow, ang dating two-time Euroleague champions.

Nagposte si Tim Duncan ng 10 points sa loob ng 18 minuto, habang may 6 points at 5 assists naman si Tony Parker para sa Spurs. Umiskor naman si reserve Aron Baynes ng 12 points.

Ang tip-in ni Baynes sa huling 0.5 segundo ang nagdala sa San Antonio sa overtime.

Sa Portland, Oregon, tumirada si Goran Dragic ng 19 points para pangunahan ang 104-98 panalo ng Phoenix Suns na pumigil sa fourth-quarter rally ng Portland Trail Blazers sa kanilang preseason game.

Naglista si Dragic ng 7-of-9 fieldgoal shooting at tumipa ng 14 points sa first half para sa Suns (2-0) na nakahugot ng 15 points kay Marcus Morris.

Umiskor naman si Suns forward Channing Frye, hindi nakalaro sa 2012-13 season dahil sa problema sa kanyang puso, ng 14 points sa kanyang unang preseason appearance. Pinayagan ng mga doktor ang 30-anyos na sumama sa training camp bago ang pre-season game.

Nagtala ang Phoenix ng isang 19-point lead sa fourth quarter, ngunit nakalapit ang Blazers sa 4 points sa huling tatlong minuto.

Sa Memphis, Tenn., gumawa si Dirk Nowitzki ng 20 points at nalampasan ng Dallas Mavericks ang paghahabol ng Memphis Grizzlies sa fourth quarter bago naitala ang 95-90 panalo  sa kanilang preseason game.

Naglista si Nowitzki ng 7-of-10 fieldgoal shooting, habang nagdagdag naman si Vince Carter ng 12 points kasunod ang tig-11 nina Samuel Dalembert at Monta Ellis para sa Dallas (1-1).

Kumolekta naman si Jon Leuer ng 17 points, 10 rebounds at 5 assists sa panig ng Grizzlies (0-2).

Naglaro ang Memphis na wala sina regular rotation players Marc Gasol, Tony Allen, Tayshaun Prince, Quincy Pondexter at Kosta Koufos.

vuukle comment

ARON BAYNES

CHANNING FRYE

DALLAS MAVERICKS

DIRK NOWITZKI

DRAGIC

JON LEUER

KOSTA KOUFOS

MANU GINOBILI

POINTS

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with