^

PM Sports

Cagayan, Smart angat sa Game 1 ng Final 4

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumangon ang Cagayan Province mula sa first-set loss para resbakan ang Philippine Air Force, 17-25, 30-28, 25-19, 25-9, sa Game One ng kanilang semifinals series sa Sha­key’s V-League Season 10 Open Conference ka­ha­pon sa The Arena sa San Juan.

Nakamit ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three semis showdown, kailangan lamang ng Ri­sing Suns, na manalo sa Game Two sa Biyernes pa­ra makamit ang unang fi­nals ticket.

Ito ang ika-13 sunod na panalo ng  Cagayan sa season-ending confe­rence.

Nagtumpok sina Kannika Thipachot, Aiza Mai­zo at Angeli Tabaquero ng pinagsamang 44 hits.

Tumapos ang Thai ace na may 23 points, tampok dito ang 20 kills, habang may 12 attacks si Maizo.

Dahil sa kawalan ng komunikasyon ng Rising Suns, nakuha ng Air Women ang first set sa likod nina Joy Cases, Judy Ann Caballejo, Liza de Ramos at Maika Ortiz.

Nakipagtulungan naman si Thipachot kay Maizo  para ibalik sa laro ang Cagayan.

Sinelyuhan ni Maizo ang panalo ng Rising Suns mula sa isang corner spike.

Humataw si Cases ng 17 points para sa panig ng Air Women kasunod ang 12 ni Caballejo at tig-10 hits nina Ortiz at De Ramos.

Sa ikalawang laro, si­namantala ng Smart-May­nilad ang dalawang errors ng Philippine Army pa­ra angkinin ang 28-26, 25-17, 19-25, 29-27 ta­gumpay sa kanilang semis duel.

Napalakas ang kill ni Nerissa Bautista bago nag-over-receive si Jovelyn Gonzaga patungo sa kill ni Alyssa Valdez para sa 1-0 abante ng Net Spi­kers sa kanilang serye.

AIR WOMEN

AIZA MAI

ALYSSA VALDEZ

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PROVINCE

DE RAMOS

MAIZO

RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with