^

PM Sports

NBA extravaganza!

JV - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumating na ang Indiana Pacers at Houston Rockets.

Ang Pacers na pina-ngunahan ng kanilang presidente na si Larry Bird at ng sumisikat na si  Paul George ay maagang dumating sa bansa habang ang Rockets na pinangunahan ni coach Kevin McHale at ng bago nilang star player na si  Dwight Howard ay dumating ng hapon para sa kanilang pre-season duel na tinaguriang “NBA Global Games” sa Huwebes sa MOA Arena sa Pasay City.

“After 18 hours of flying.. Manila #PacerNation is in the house,” sabi ni George sa kanyang Twitter account  na @Paul_George24.

Ang mga players ay naka-billet sa Sofitel, karamihan sa kanila ay first time lang na nakara-ting ng Pilipinas. Ang ilan ay  natuwa sa nakikita nilang view ng Manila Bay mula sa kanilang mga kuwarto.

“The smiles and excitement in people’s eyes when they see us walking around. #priceless,” sabi ni Orlando Johnson,  teammate ni George, sa kanyang Twitter  na @Pace_O11.

Isa pang Indiana player na si Ian Mahinmi, back-up ni Roy Hibbert sa center position, ay nag-post sa Instagram ng litrato ng view mula sa kanyang kuwarto at may caption na “Philippines baby!”

Nag-share rin ng litrato si  Omri Casspi  ng Houston sa kanyang Twitter na @Casspi18 at may caption na “Heartwarming welcome in Manila.”

Dumating din sa ikalawang pagkakataon ngayong taon dito sa bansa si James Harden ng Houston.

Ang iba pang sikat na Indiana players ay sina Roy Hibbert, David West, George Hill, Danny Granger at Argentinian star Luis Scola.

Nandito na rin sa bansa para sa mga clinics at inspirational talks sina multi-titled Robert Horry, Ron Harper at dating NBA player na si Jalen Rose.

vuukle comment

ANG PACERS

DANNY GRANGER

DAVID WEST

DUMATING

DWIGHT HOWARD

GEORGE HILL

GLOBAL GAMES

ROY HIBBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with