^

PM Sports

Ikokondisyong maigi ni Fortune si Pacquiao para sa laban kay Rios

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Alam ni Justin Fortune, ang nagbabalik na strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao, ang kakayahan ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios.

Sa panayam ng Ring-TV.com, sinabi ng Australian strength and conditioning mentor na hindi dapat magkumpiyansa ang 34-anyos na si Pacquiao sa 27-anyos na si Rios.

“Rios is a capable fighter, I’m not going to take anything from him,” wika ni Fortune sa Me-xican-American fighter. “He does come forward and that plays into Manny’s hands. He’s a formidable opponent, but that’s what he is: An opponent.”

Para makatiyak ng panalo kay Rios ay mu-ling kinuha ni Pacquiao si Fortune bilang kapalit ni dating strength and conditioning coach Alex Ariza.

Si Ariza ay hinugot naman ni Mexican chief trainer Robert Garcia para tulungan si Rios, ang dating world lightweight champion, sa kanyang pagpapakondisyon.

Nakatakdang sagupain ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa World Boxing Organization International welterweight title sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

“I’m going to get Manny in great shape and Freddie (Roach) will take care of what Manny does in the ring and that’s it. We’ll get back to what we used to do,” ani Fortune.

Si Fortune ang naging strength and conditioning coach ni Pacquiao mula noong 2001 hanggang 2007.

Matapos ang eight-round knockout win ng Sarangani Congressman kay Jorge Solis ng Mexico noong 2007 ay nagkaroon ng away sina Roach at Fortune na naging dahilan ng pagbibitiw nito sa kanyang posisyon.

Nakatakdang duma-ting si Fortune sa Pilipinas sa Linggo mula sa Los Angeles, California.

ALEX ARIZA

BAM BAM

FORTUNE

JORGE SOLIS

JUSTIN FORTUNE

LOS ANGELES

NAKATAKDANG

PACQUIAO

ROBERT GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with