Air Force walang balak bumitaw
MANILA, Philippines - Tangka ng Air Force na manatili sa kontensiyon sa pagharap sa Meralco sa krusyal na laban para sa No. 4 spot sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.
Tangan ang 5-5 karta, isang panalo na lang ang kailangan ng Air Women sa kanilang huling dalawang laro upang kumpletuhin ang semis cast habang hangad naman ng Power Spikers, may 3-6 slate na panatilihing buhay ang kanilang tsansang makapasok sa susunod na round ng season-ending conference na sponsored ng Shakey’s.
“Our Final Four fate is still in our hands and all we needed to do is win our remaining games,†sabi ni Meralco mentor Oliver Almadro.
Ang laro ay nakatakda sa alas-4:00 ng hapon.
Kung mananalo ang Air Force ay makikinabang ang Smart-Maynilad (6-4) na walang laro ngayon dahil makakapasok sila sa semis ng walang pagod.
Masisibak naman ang Meralco at PNP.
Tangka naman ng Cagayan Province na manatiling walang talo sa pakikipagharap sa Phl National Police sa alas-2:00 ng hapong sagupaan.
Ang Rising Suns na naka-sweep ng eliminations at may tatlong sunod na panalo sa semis ay si-gurado na sa Final 4 tulad ng Army (9-1).
Naungusan ng Ri-sing Suns ang Smart Net Spikers, 25-21, 22-25, 25-19, 17-25, 15-13, noong Linggo para sa kanilang ika-10 sunod na panalo at ang tagumpay kontra sa Lady Patrollers ay sisiguro sa kanila ng playoff para sa top seeding sa Final Four.
- Latest