Player of the Week si Baloria
MANILA, Philippines - Hindi lamang isa si rookie Juneric Baloria sa mga top scorers sa liga kunÂdi pati isa ring clutch shooter.
Umiskor si Baloria ng mga krusyal na puntos para igiya ang Perpetual Help sa dalawang sunod na panalo sa second round ng 89th NCAA men’s basÂketball tournament.
Si Baloria ang sinandalan ng Altas sa kanilang 68-64 panalo laban sa St. Benilde Blazers at sa 64-61 paggupo sa Jose Rizal Heavy Bombers.
Dahil dito, hinirang ang 23-anyos na si Baloria bilang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps PlaÂyer of the Week na suportado ng Gatorade.
Laban sa St. Benilde, umiskor si Baloria ng 18 points at nagposte ng 32 markers kontra sa Jose RiÂzal para sa 10-3 record ng Perpetual sa ilalim ng three-time champions na San Beda (10-2) at Letran (10-2).
Si Baloria ang bumabandera sa scoring sa torneo mula sa kanyang 23 points a game average.
“Binibigyan ako ni coach (Aric Del Rosario) ng kumpiyansa,†wika ng tubong Lanao del Norte na si Baloria.
- Latest