^

PM Sports

Ateneo, UST paglalabanan ang No. 4 seat

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng five-time champions Ateneo De Manila University at ng University of Sto. Tomas ang ikaapat at huling silya sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tournament.

Maghaharap ang Blue Eagles at ang Tigers nga­yong alas-4 ng hapon matapos ang laban ng mga talsik nang University of the East at University of the Philippines sa alas-2 sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo ng De La Salle University ang UST, 69-64, no­ong Sabado para kunin ang playoff sa No. 2 spot laban sa Far Eastern University.

Ang No. 1 at No. 2 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Ang National University ang umangkin sa No. 1 berth dahil sa mas mataas na quotient sa kabila ng pag­kakaroon nila ng La Salle at ng FEU ng magkakaparehong 10-4 baraha.

Dahil sa ipinataw na one-game suspension ay hindi makikita sa bench ng Ateneo si head coach Bo Perasol.

Iniutos ng UAAP Board na isilbi ni Perasol ang kan­yang naunang one-game ban matapos makita habang nanonood ng laro ng Blue Eagles at Red Warriors.

Nauna nang pinatawan ang dating PBA mentor ng suspensyon dahil sa pagkompronta sa isang La Salle alumni matapos ang kabiguan ng Ateneo.

Si assistant coach Sandy Arespacochaga ang pan­sa­mantalang gigiya sa Blue Eagles kontra sa Tigers ni Pido Jarencio.

Nanggaling ang Ateneo sa 65-70 pagyukod sa NU noong Setyembre 11 sa kanilang pagharap sa UST.

Muling aasahan ng Blue Eagles sina Kiefer Ra­vena, Ryan Buenafe, JP Erram, Chris Newsome, Von Pessumal at Juami Tiongson.

Babanderahan naman nina Jeric Teng, Aljon Maria­no, Karim Abdul at Clark Bautista ang Tigers.

Samantala, paglalabanan ng Green Archers at ng Tamaraws ang No. 2 berth sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang mananalo ang siyang aangkin sa ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.

Muling magkikita ang La Salle at ang FEU sa pagsisimula ng semifinals.

vuukle comment

ALJON MARIA

ANG NATIONAL UNIVERSITY

ANG NO

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

FINAL FOUR

LA SALLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with