Miami interesadong kunin si beasley
MANILA, Philippines - Kinokonsidera ng two-time defending NBA champion Miami Heat ang posibilidad na ibalik si free-agent forward Michael Beasley na magulo ang buhay ngayon, ayon sa sources ng Yahoo Sports.
Ilan sa key veteran players ng Heat ay pabor sa pagkuha kay Beasley at interesado itong magbalik sa team na kumuha sa kanya bilang second overall pick noong 2008 NBA draft, ayon pa sa source ng Yahoo.
Wala pang in-offer ang Heat at hindi pa rin sigurado kung kukunin nga si Beasley ng Miami, dagdag ng source.
Nagkasundo si Beasley at ang Phoenix Suns sa buyout agreement para sa natitirang dalawang taon ng kanyang 3-year contract noong nakaraang linggo.
Ang 24-gulang na si Beasley ay may kasong marijuana possession matapos maaresto nitong Agosto na siyang pinakahuling pangyayari sa napakaraming balita sa kanya na may kinalaman sa marijuana.
Iniwan ni Beasley ang Phoenix na may $7 million sa $9 million na dapat niyang kitain mula sa kanyang original na $18 million contract.
Si Beasley, 6-foot-10 forward, ay lumaro ng dalawang seasons sa Miami bago gumawa ng paraan si president Pat Riley na i-traded ito sa Timberwolves noong 2010 kapalit ng draft picks at salary cap space na kailangan para makuha ng Heat sina LeBron James at Chris Bosh.
Si Beasley ay may dalawang produktibong seasons sa Heat kung saan nag-average ito ng 14.1 points sa halos 30 minutes a game. Si Beasley ay nag-average ng career-best 19.2 points sa T’wolves noong 2010-11. Nahirapan siya sa kayang unang season sa Suns, kung saan may average lamang ito na 40.5 percent sa shooting para sa 10.1 points.
Di malayong magkainteres ang Miami kay Beas-ley dahil sa kanyang kakayahang umiskor sa mababang presyo lamang.
- Latest




















