^

PM Sports

Umangat ang Bolts

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang ikatlong sunod na panalo ang Meralco matapos talunin ang nagdedepensang Rain or Shine, 82-76 para masolo ang ikalawang puwesto sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umiskor si John Wilson ng 18 points, tampok dito ang 3-of-5 shooting sa three-point range, kasunod ang tig-17 markers nina balik-import Mario West at Cliff Hodge.

“We really dug deep to find ways to win. Again it was a defensive struggle and that’s the only way we can win,” sabi ni head coach Ryan Gregorio. “With great effort, the reward is greater. we’re just happy to win three wins in a row.”

Ipinoste ng Bolts ang isang 14-point lead, 53-39, sa 9:18 minuto ng third period mula sa jumper ni Chris Timberlake matapos isara ang first half bitbit ang 44-37 bentahe.

Isang 16-7 atake ang ginawa nina import Arizona Reid, Ronnie Matias, JR Quiñahan, Gabe Norwood, TY Tang at Jireh Ibanes para idikit ang Elasto Painters sa 55-60, sa 3:05  ng third canto.

Matapos kunin ng Meralco ang 68-59 sa pagsisimula ng fourth quarter ay muling nagbida si Reid katuwang sina Paul Lee at Jeff Chan upang Idikit ang Rain or Shine sa 76-78 agwat sa huling 1:52 ng laro.

Muling inilayo ni Hodge ang Bolts makaraan ang kanyang split, 79-76, 1:03 sa orasan kasunod ang supalpal ni Chris Ross kay Lee sa posesyon ng Elasto Painters sa huling 38 segundo.

Isinalpak ni Wilson ang kanyang dalawang free throws mula sa foul ni Beau Belga sa nalalabing 33.8 segundo at binura ni Hodge ang layup ni Chan para selyuhan ang kanilang tagumpay.

Nagbida si Reid para sa Rain or Shine mula sa kanyang 22 points, 9 rebounds at 2 assists, samantalang may 18 markers si Ibanes, ang 12 dito ay kanyang ginawa sa first half.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang Alaska at Talk ‘N Text.

ARIZONA REID

BEAU BELGA

CHRIS ROSS

CHRIS TIMBERLAKE

CLIFF HODGE

ELASTO PAINTERS

GABE NORWOOD

JEFF CHAN

JIREH IBANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with