^

PM Sports

Bryant paborito ng mga rookies

Pang-masa

Taun-taon, ang mga NBA rookies ay tinitipon tuwing summer para sa offseason photo-shoot.

Gumawa ng survey ang NBA.com sa grupo upang makuha ang kanilang saloobin ukol sa mga players ng liga at ang kanilang prediksiyon para sa season.

Maraming bagay na itinanong sa mga players ngunit ang kapuna-puna rito ay ang sagot ng 36-players na tinanong kung sino ang kanilang paboritong player.

Ang nanguna ay ang Los Angeles star na si Kobe Bryant na nakakuha ng 21.2 percent boto kasunod si  LeBron James ng Miami na  may 15.2 percent at tabla naman sina Kevin Durant ng Oklahoma at Dirt Nowitz-ki ng Dallas sa third at fourth place sa 12.1 percent, kasunod sina Kevin Garnett ng Brooklyn at Chris Paul ng LA Clippers na parehong may 9.1 percent.

Interesante ang resultang ito dahil kakaibang player si Bryant. Kung hindi man gusto ng fans si Bryant ay ayaw sa kanya at bihira ang alanganin.

Kilala si Bryant na kompetitibo at mahusay sa scoring. Noong nakaraang taon, may mga larong hindi siya dumidepensa.

Gayunpaman, nananatili si Bryant na isa sa mga elite talents ng liga kahit 17-taon na siyang nasa industriya.

vuukle comment

BRYANT

CHRIS PAUL

DIRT NOWITZ

GAYUNPAMAN

GUMAWA

INTERESANTE

KEVIN DURANT

KEVIN GARNETT

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with