Jamison lilipat sa Clippers mula sa L.A. Lakers
LOS ANGELES -- Mula sa paglalaro para sa Los Angeles Lakers ay lilipat naman si Antawn Jamison sa Los Angeles Clippers.
Nakatakdang lumagda si Jamison ng veteran’s miÂnimum salary na aabot sa $1.4 milyon.
“Ready to come and help out as much as possible, and hopefully I’m the piece that can take us to the top,†wiÂka ni Jamison sa Los Angeles Times.
Nagtala ang 37-anyos na si Jamison ng mga aveÂrages na 9.4 points at 4.8 rebounds para sa Lakers noÂong nakaraang season.
Para sa kanyang 15-year career, nagposte si JaÂmison ng mga averages na 18.8 points at 7.6 rebounds.
Sa kanyang paglalaro para sa Washington Wizards, napili siya sa All-Star Game noong 2005 at 2008.
Naglaro ang fourth overall pick noong 1998 NBA Draft ng limang seasons para sa Golden State Warriors at isa sa Dallas Mavericks bago ang kanyang 5 1/2-year run sa Washington.
Dalawa at kalahating taon siyang kumampanya paÂra sa Cleveland Cavaliers bago pumirma sa Lakers biÂlang isang free agent noong nakaraang taon.
Sumailalim si Jamison sa isang right wrist surgery at inaasahang makakalaro ng maayos.
- Latest