^

PM Sports

Toroman walang alam sa Barako-San Mig trade

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Barako Bull head coach Rajko Toroman na wala siyang kinalaman sa madaliang trade na nangyari sa pagitan ng Energy at San Mig Coffee Mixers noong nakaraang linggo.

Ayon sa Serbian mentor, tanging ang Barako Bull management ang nakakaalam kung sinong player ang pakakawalan at kukunin.

“All of these trades made are all management’s decision. I can’t say anything about that,” ani Toroman, da­ting coach ng Gilas Pilipinas at gumiya sa Iran national team sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China matapos magkampeon sa FIBA-Asia Men’s Championships noong 2007.

Ibinigay ng Energy si scorer Allein Maliksi sa Mixers kapalit nina Wesley Gonzales at Chris Pacana kasama pa ang isang second draft pick.

Ang naturang trade ay pinalagan naman ni Alaska coach Luigi Trillo.

“Best Barako talent Maliksi for bench players Gonzales and Pacana? Are you kidding me?,” bulalas ni Trillo sa kanyang Twitter account na @luigitrillo.

Nagkasagutan sina Trillo at San Mig Coffee mentor Tim Cone sa isang tune-up game ng Aces at Mixers na nauwi sa pormahan nina rookie Calvin Abueva at Joe Devance.

Humingi naman ng dispensa si Trillo sa mga players na kanyang nabanggit.

vuukle comment

ALLEIN MALIKSI

ASIA MEN

BARAKO BULL

BEST BARAKO

CALVIN ABUEVA

CHRIS PACANA

GILAS PILIPINAS

GONZALES AND PACANA

JOE DEVANCE

LUIGI TRILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with