^

PM Sports

13-bansa pa ang hinihintay sa FIBA World Cup

QH - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa ngayon, pitong bansa pa lamang kabilang ang Philippines, ang nakasiguro ng slot sa FIBA World Cup sa Spain sa susunod na taon at 13 pa ang makakasama matapos ang iba pang continental qualifiers na magaganap hanggang Sept. 22.

May apat na wildcard tickets na ibibigay ang FIBA para makumpleto ang 24-nation cast.

Sa nakaraang FIBA-Asia Championships sa Manila, sinabi ni FIBA communications director Patrick Koller na maganda sana kung may mga Filipino fans sa Spain. Napabilib siya sa suportang ibinigay ng mga Pinoy sa Gilas Pilipinas na kumopo ng silver medal sa 15-team competition.

Ang 24 teams sa FIBA World Cup ay hahatiin sa apat na grupo na may 6-teams sa isang draw para malaman ang groupings sa February. Ang group games ay lalaruin sa apat na iba’t ibang ve-nues-- sa Bizcaia Arena sa Bilbao,  Palacio Municipal de Deportes sa Granada,  Palacio de Deportes sa Las Palmas sa Canary Islands at Palacio Municipal de Deportes sa Seville. Ang dalawang kulelat na team bawat grupo ay masisibak. Ang 16 na matitira, 4 sa bawat grupo ay uusad sa two-stage knockout quarterfinals na gagawin sa Palacio de los Deportes de la Comunidad sa Madrid at sa Palau Santo Jordi sa Barcelona. Ang walong mananalo ay uusad sa second stage ng knockout quarterfinals at ang apat na survivors ay uusad sa semifinals sa Madrid. Ang playoff for third place ay sa Sept. 13 at ang finals ay sa Sept. 14, pareho sa Madrid.

Ang iba pang nakasiguro na ng slot sa World Cup slots ay ang host Spain, 2012 Olympic champion US, Australia at New Zealand na qualifiers mula sa Oceania at ang Iran, Philippines at South Korea na qualifiers mula sa Asia.

Anim na slots ang nakareserba para sa Europe kung saan 23-bansa ang maglalaban-laban sa Sept. 4-22 sa Slovenia.

Apat na slots ang nakalaan para sa Americans kung saan 10 bansa ang maglalaban-laban sa Aug. 30-Sept. 11 sa Venezuela. Ang Africa ay may tatlong slot kung saan maglalaban ang 10-bansa sa Aug. 20-31 saIvory Coast.

Ang FIBA World Cup ay dating tinatawag na FIBA World Championships.

ANG AFRICA

ASIA CHAMPIONSHIPS

BIZCAIA ARENA

CANARY ISLANDS

FIBA

GILAS PILIPINAS

LAS PALMAS

NEW ZEALAND

PALACIO MUNICIPAL

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with