CEU wagi sa St. Claresa NAASCU
MANILA, Philippines - Tinalo ng Centro Escolar University ang nagÂdeÂdepensang St. Clare College of Caloocan, 45-44, sa pagbubukas ng 2013 National Athletic AssoÂciation of Schools, ColÂleges and Universities (NAÂASCU) kahapon sa MaÂkati Coliseum.
Pinangunahan nina JoÂÂseph Senorifa at Alvin Abundo ang atake ng ScorÂpions para resbakan ang Saints na tumalo sa kaÂÂnila sa 2012 NAASCU FiÂÂnals.
Tumipa si Senorifa ng 12 points, habang may 10 si Abundo para sa CEU sa nasabing eight-team league na pinamamahalaÂan ng Our Lady of Fatima UniÂversity (OLFU).
Nagtuwang sina SenoÂrifa at Abundo sa isang 9-3 palitan matapos magtabla sa 35-35 kasunod ang mahigpit na depensang ibinigay ng ScorÂpions laban sa Saints.
Samantala, nagsilbi naÂmang guest of honor si dating PBA superstar VerÂgel Meneses kasama sina Philippine Olympic Committee (POC) secÂretary-general Steve HonÂtiveros at basketball supÂporter Alex Wang sa opeÂning ceremony.
Nakasama ng tatlo siÂna league chairman Dr. Jay Adalem ng St. Clare at president Dr. Vicente O. Santos Jr. ng OLFU.
- Latest