^

PM Sports

‘Simula pa lang ito’ - MVP

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naniniwala si Samahang Basketbol ng Pilipi­nas president Manny V. Pa­ngilinan na umpisa pa la­mang ang nagawa ng Gi­las Pilipinas na makasi­guro ng slot sa FIBA World Championships sa ka­tatapos lamang na FIBA-Asia Championships.

Ayon kay Pangilinan, ang utak at siyang namu­no para makabalik ang ban­sa sa FIBA_World na gaganapin sa Spain sa su­sunod na taon, marami pang mangyayari sa Phi­lippine basketball sa pa­mamagitan ng tagumpay ng Gilas Pilipinas prog­ram.

“This is just the beginning,” sabi ni Pangilinan na kilala ng lahat bilang MVP, patungkol sa silver medal finish ng Gilas. “In the next few days, we’ll meet with the team coaching staff to talk about the program.”

Wala pang nakapla-nong susunod na hakbang pa­ra sa Gilas ngunit naka­takdang makipag-usap ang SBP at Gilas Pilipinas sa Philippine Basketball Association kung ano ang su­su­nod na gagawin.

“We’ll talk when the right time comes,” nauna nang sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud sa SBP.

Babalik na ang mga mi­yembro ng National team sa kani-kanilang mga PBA mo­ther clubs.

Kaya kailangang ma­ki­pag-usap ng SBP sa PBA kung paano gagawin ang partisipasyon sa Spain sa susunod na ta­on.

Bagama’t hindi pa alam ang kalakaran sa Phi­lippine basketball, sinabi ni American coach Tab Baldwin na kinuhang consultant ng Gilas na hindi ma­giging makatarungan at isang malaking pagkaka­ma­li kung bubuwagin ang kasalukuyang Gilas Team.

“If you’re to be com­pe­titive in the world, you can’t really make compromises,” ani Baldwin. “This sort of thing has the ability to bind the com­mu­nity and make every­bo­dy pool together for a greater part.”

Ngunit hindi lang iisang tao ang makakapagdesisyon ukol sa bagay na ito, marami ang involve.

Ma­dami at mahabang usa­pan pa ang gagawin.

vuukle comment

ASIA CHAMPIONSHIPS

COMMISSIONER CHITO SALUD

GILAS PILIPINAS

GILAS TEAM

MANNY V

PANGILINAN

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SAMAHANG BASKETBOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with