^

PM Sports

‘Sure winner’ lang talaga ang ipadadala sa SEAG

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naihanda na ng PSC ang mga dokumento na magpapakita sa performance ng mga National athletes sa mga nagdaang buwan na nais na ipasok ng kani-kanilang National Sports Associations (NSAs) sa Myanmar SEA Games.

Sa panayam kay PSC Chairman Ricardo Garcia kahapon, muli niyang iginiit na performance ang pagbabasehan ng PSC at POC para makasama ang isang atleta sa SEA Games.

“We remain firm on our position that we will only be sending athletes who are gold medal potentials and our delegation will have 200 or below athletes,” wika ni Garcia.

Inulit ni Garcia ang posisyon ng PSC at POC matapos sabihin din sa mga mamamahayag na 526 ang numero na ipinadala ng Task Force sa Myanmar sa entry-by-number.

Ipinaliwanag ni Garcia na sinagad nila ang bilang na puwedeng ipasok ng Pilipinas dahil may mga sports pa na nagla-lobby sa kanilang mga atleta.

“Mas maganda na kung may humabol ay may slot na sila at hindi iyong makikiusap uli tayo sa host para bigyan sila ng puwesto,” sabi pa ng PSC chairman.

Ang football ay isa sa naghahabol na masama sa delegasyon bukod sa women’s basketball na silver medalist ng 2011 SEA Games.

Nagpasok din ang swimming ng 76 manlalangoy na nais nilang ipadala sa Myanmar.

Sina Garcia at Cojuangco ay haharap sa mga NSA heads o kanilang mga kinatawan para alamin sa kanila ang tunay na tsansa kung mananalo ng ginto ang pag-uusapan.

Maliit na delegasyon lamang ang nais ng Pilipinas dahil naniniwala ang POC at PSC na hindi lalampas sa seventh place sa medal standing ang ipadadalang koponan matapos alisin ang la-rong malalakas ang bansa at ang pagdagsa ng mga events na pabor sa host Myanmar.

 

CHAIRMAN RICARDO GARCIA

COJUANGCO

GARCIA

INULIT

MYANMAR

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PILIPINAS

SINA GARCIA

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with