^

PM Sports

Melindo handa na sa laban

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang-handa na si Filipino challenger Milan Melindo sa kanyang paghahamon kay Mexican world flyweight champion Juan Francisco Estrada.

Nagtungo na ang Team Melindo sa Macau, China kung saan magaganap ang naturang laban sa Hulyo 27 sa Cotai Arena ng Venetian Casino and Resort.

Tatangkain ni Melindo (29-0-0, 12 KOs) na maagaw kay Estrada (24-2, 18  KOs) ang mga suot nitong World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Association (WBA) flyweight titles.

Ang naturang WBO belt ay nakuha ni Estrada matapos talunin ang dating kampeong si Brian “Hawaiian Punch” Viloria sa kanilang unification fight noong Abril na idinaos sa Macau.

 Lumaban si Melindo sa undercard ng Viloria-Estrada fight kung saan niya pinabagsak si Indonesian fighter Tommy Seran sa fourth round.

Hangad ni Melindo na iganti si Viloria kasabay ang pag-agaw kay Estrada ng mga bitbit nitong WBO at WBA belts.

Kumpiyansa naman si Estrada na maidedepensa niya kay Melindo ang kanyang mga korona.

“I am so motivated to make my first defense. I have done a good training and it will show in the ring. We will bring our two belts back to Mexico. I share my titles with my team and with the people of Mexico who support me,” wika ni Estrada.

Sakaling manalo si Estrada kay Melindo ay itatapat siya ng kanyang promoter kay dating world champion Hernan “Tyson” Márquez.

COTAI ARENA

ESTRADA

HAWAIIAN PUNCH

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MACAU

MELINDO

MILAN MELINDO

TEAM MELINDO

TOMMY SERAN

VENETIAN CASINO AND RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with