^

PM Sports

Walang epekto sa Gilas Pilipinas ang pagkakasuspindi ng Lebanon

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nawalan ng isang mabigat na makakalaban sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships, hindi ito iniisip ni Gilas Pilipinas II head coach Chot Reyes.

Sa kanyang Twitter account, sinabi kahapon ni Reyes na mas iniintindi niya ang magiging kampanya ng Gilas II sa naturang qualifying tournament na nakatakda sa Agosto 1-11 at idaraos sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

“Not too worried about Lebanon’s suspension coz we’re too focused on ourselves 1st,” wika ni Reyes sa kanyang twitter account na @coachot matapos talunin ng Nationals ang Hawkes Bay Hawks, 73-70, sa kanilang serye sa New Zealand.

Sinuspinde ng FIBA-Asia ang Lebanon dahil sa kabiguan nitong resolbahin ang sigalot sa pagitan ng basketball federation at local clubs nito.

Nagsampa ng kaso ang mga basketball clubs na Amchit at Mouttahed noong Hunyo laban sa Federation Libanaise de Basketball at nabigong hanapan ng solusyon hanggang makarating sa FIBA-Asia ang isyu.

Ang FIBA-Asia secretary-general na si Hagop Khajirian ay mula sa Lebanon.

Dahil sa suspensyon, hindi makikita sa FIBA-Asia Men’s Cham-pionships ang Lebanon, tatlong beses na puma-ngalawa sa torneo sapul noong 1999.

Ang Iraq, tumapos na pang-apat sa West Asian eliminations noong Pebrero, ang siyang papalit sa Lebanon sa Group B sa first round ng eliminations.

“Iraq is a tall, tough team we know very little of. I wish I could say that’s one less problem, but the reality is Iraq is a tall tough team,” wika ni Reyes sa koponan ng Iraq na makakasama sa Group B ang Japan, Qatar at Hong Kong.

Ang top three finishers sa FIBA-Asia Men’s Championships ang siyang makakapaglaro para sa 2014 World Cup sa Spain.

Kasalukuyang naglalaro ang Le-banese squad sa Jones Cup sa Taipei kung saan sila natalo sa Jordan, 67-69.

ANG IRAQ

ASIA MEN

CHOT REYES

FEDERATION LIBANAISE

GILAS PILIPINAS

GROUP B

HAGOP KHAJIRIAN

HAWKES BAY HAWKS

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with