^

PM Sports

Iguodala kinuha ng Warriors para sa isang $48-M contract

Pang-masa

OAKLAND, Calif. -- Nagkaroon na ng kasundu­an ang Golden State Warriors at si swingman Andre Iguo­dala para sa isang $48 million, four-year deal.

Sinabi ng isang source na pinaluwag ng Warriors ang kanilang salary cap ng $24 milyon matapos dalhin si­na Richard Jefferson, Andris Biedrins at Brandon Rush sa Utah Jazz kasama ang ilang draft picks.

Tanging kinuha ng Warriors si Kevin Murphy at ang kanyang non-guaranteed na $788,000 deal para sa susunod na season.

Makakatanggap ang Utah ng ilang draft picks mula sa Golden State, kasama dito ang 2014 at 2017 first-round picks.

Pinakawalan ng Golden State ang kanilang mga pla­­yers na may expiring contracts para makuha si Iguo­­dala.

Umabante ang Warriors sa second round ng naka­raang playoffs sa likod ni point guard Stephen Curry.

Nagtala si Iguodala ng mga averages na 13 points, 5.4 assists at 5.3 rebounds sa nakaraang season para sa Den­ver Nuggets.

Natalo ang Nuggets sa Warriors, 2-4, sa opening round ng nakaraang playoffs.

Ang unang walong taon ni Iguodala ay ginugol ni­ya sa Philadelphia 76ers.

vuukle comment

ANDRE IGUO

ANDRIS BIEDRINS

BRANDON RUSH

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

IGUODALA

KEVIN MURPHY

RICHARD JEFFERSON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with