Lyceum pinayukod ang Mapua mula sa depensa
MANILA, Philippines - Nag-init ang mga kamay ni Dexter Zamora, haÂbang bumalik ang shooting form ni Shane Ko at ang Lyceum ay buÂmangon mula sa huling pagÂkatalo sa 74-59 panalo sa Mapua sa 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
May 22 puntos, 2 reÂbounds at 2 assists si ZaÂmora, habang si Ko ay nagdagdag ng 15 puntos at tig-limang rebounds at assists para ibigay sa Pirates ang 2-1 karta.
“Gusto kong maka-conÂtribute sa team at sa past games namin ay hindi ako maka-shoot. Kaya taÂlagang nag-practice ako ng shooting,†wika ni ZaÂmora.
Si Wilson Baltazar ay naghatid ng 10 puntos, haÂbang ang depensa ng LyÂceum kina Joseph ErioÂbu at Kenneth Ighalo ang isa ring malaking rason sa pagkapanalo ng koponan.
Sina Eriobu at Ighalo ay gumawa ng 30 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod, sa 104-99 double overtime win laban sa San Sebastian sa huling laÂro pero laban sa Pirates ay nalimitahan lamang sa piÂnagsamang siyam na punÂtos.
“Hindi tulad sa mga last game namin, gumana ngaÂyon ang aming depensa,†pahayag ni Lyceum coach Bonnie Tan.
Sina JC Cantos at Mark Brana ang bumaliÂkat sa opensa ng tropa ni coach Atoy Co sa 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakaÂsuÂnod.
Samantala, kinuha ng Jose Rizal Light BomÂbers ang ikatlong sunod na panalo mula sa 67-61 pananaig sa Letran Squires, haÂbang nagtala din ng panalo ang Mapua Red RoÂbins matapos ang tatlong laro sa 91-58 pagdurog sa Lyceum Junior Pirates sa mga laro sa juniors. (AT)
(Juniors)
Mapua 91 -- Lugo 19, CaÂbural 13, Serrano 12, Concepcion 8, Villasenor 6, Mumar 5, Pascua 5, Aguirre 5, Rivera 4, Calderon 4, Rivera 4, Velvez 2, Magpayo 2, Victoria 0,
Lyceum 58 -- Cecilio 19, Menil 16, Soriano 7, Fajardo 6, Beroya 5, Taladua 4, Lagman 1, Castañeda 0, Pere 0, Agdon 0.
Quarterscores: 18-14; 43-34; 66-48; 91-58.
(Seniors)
Lyceum 74 — Zamora 22, Ko 15, Baltazar 10, Francisco 8, Mbomiko 8, Azores 7, Ambohot 2, Mendoza 2, SoÂliman 0, Lacastesantos 0, Taladua 0, Alanes 0, Garcia 0, Lesmoras 0.
Mapua 59 — Cantos 16, Brana 15, Saitanan 9, Eriobu 6, Magsigay 4, Ighalo 3, Estrella 3, Isit 3, Gabo 0.
Quarterscores: 14-10; 32-28; 50-47; 74-59.
- Latest





















