^

PM Sports

Tatlong laro sa pagbubukas ng PSL ngayon

Pang-masa

LARO NGAYON

(Philsports Arena, Pasig City)

2 p.m. Cignal vs Petron

4 p.m. PCSO-Bingo vs PLDT-My DSL

6 p.m. TMS-Army vs Cagayan Valley

 

 

MANILA, Philippines - Sisimulan ng anim na koponan ang kanilang kam­panya sa pagbubukas ng Philippine Super Liga, isang women’s volleyball club league, sa Philsports Are­na sa Pasig City.

Unang sasalang ang Cignal at Petron sa ka­nilang salpukan sa alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng PCSO-Bingo Milyonario at PLDT-MyDSL sa alas-4.

Sa huling laro sa alas-6 ng gabi ay magkikita ang TMS-Philippine Army at ang Cagayan Valley.

Bukod sa Philsports, ang dalawang playing dates ng PSL ay itinakda sa The Arena sa San Juan.

Ang Petron Blaze Boosters ay babanderahan nina dating Ateneo stars Gretchen Ho at Cha­ro Soriano katuwang sina da­ting national skipper at Santo Tomas ace Ro­xanne Pimentel.

Pamumunuan naman ni­na Venus Bernal ng UST at Michelle Datuin ng La Salle ang Cignal.

Itatampok ng Bingo Milyona­rio Puffins sina da­ting La Salle aces Mau­reen Penetrante, Ivy Re­mulla, Michelle Gu­ma­­bao at Stephanie Mer­ca­­do, habang ang PLDT-MyDSL ay igigiya nina Lou Anne at Laurence La­tigay ng San Sebastian at Pau Soriano ng Adamson.

Ang Cagayan Valley Rising Suns ay aasa kina Wen­dy Semana, Jeck Dio­­nela at Royce Tubino ka­tapat sina Michelle at Ma­yeth Carolino, Mary Jean Balse, Dahlia Cruz at Joanne Bunag ng TMS-Ar­my Troopers.

 

ANG CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

ANG PETRON BLAZE BOOSTERS

BINGO MILYONA

BINGO MILYONARIO

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

LA SALLE

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with