^

PM Sports

Nakita ang bangis ng Native Land

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipakita ng Native Land na may bangis pa ito nang masama sa mga nanalo sa unang karera para sa buwan ng Hulyo.

Sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas ginawa ang tagisan noong Martes at nakapagpasikat ang kabayong ginabayan ni AR Villegas matapos makumpleto ang paghahabol mula sa malayong ikalimang puwesto sa 1,600-meter Philracom Racing Festival (NHG HR 8-9).

Inilabas pa ni Villegas ang beteranong kabayo bago isa-isang tinuhog ang Storm Gust, Top Meat, Miss Malapia at Esprit De Corps tungo sa unang panalo sa nasabing buwan.

Ang Esprit De Corps na siyang lumutsa sa naunang bumanderang Miss Malapia na hawak ni Mark Alvarez ang pumangalawa sa datingan.

Dehado ang Native Land dahil hindi nakikitaan ng magandang takbo sa mga naunang karera para makapaghatid ng P38.00 ang win. Nasa P55.50 naman ang ibinigay sa 4-1 forecast.

Nabiyayaan din ang connections ng Native Land sa nakuhang P12,000.00 premyo mula sa P20,000.00 gantimpala. Si Villegas ang lumabas bilang pinakamainit sa unang araw ng karera sa linggong ito matapos makakubra ng dalawang panalo.

Sunod na naihatid ni Villegas sa meta ay ang Storm Blast na nagbanderang-tapos sa 1,000-metro distansya.

Pinakaliyamado naman ang nanalong kabayo sa ibinigay na P8.50 sa win at ang forecast na 4-1 ay mayroong P45.00 dibidendo.

Nakabawi naman ang Material Ruler sa pagkatalo sa huling takbo nang dominahin ang class division 1B na pinaglabanan sa 1,000-metro distansya.

Pagpasok sa huling 100-metro ay tuluyang umarangkada ang Material Ruler at nanalo ng dalawang dipa sa Majestic Queen na kinargahan din ni Jessie Guce sa pagpasok sa rekta.

Dehado ang kumbinasyon para magkaroon ng P379.00 ang 2-3 forecast habang ang win ay nagbigay pa ng P24.50.

ANG ESPRIT DE CORPS

DEHADO

ESPRIT DE CORPS

JESSIE GUCE

MAJESTIC QUEEN

MARK ALVAREZ

MATERIAL RULER

MISS MALAPIA

NATIVE LAND

VILLEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with