PBA, TV5 ‘di pa nagkakasundo sa pagsasaere ng mga laro
MANILA, Philippines - Nabigong solusyunan ng Philippine Basketball Association at ng kanilang broadcast partner na Sports5 ang pagsasaere ng mga PBA games makaraang mapaso ang block-time deal ng TV5 sa IBC-13.
“No decision yet, but the PBA and TV5 mu-tually agreed to abide by the terms and provisions of the broadcast contract, particularly on the reach and signals strength of the carrying station to be chosen,†wika kahapon ni PBA commissioner Chito Salud matapos ang pulong ng PBA board at mga network officials.
Muling mag-uusap ang dalawang grupo sa susunod na linggo.
“All options are being explored within the context of our live contract. The parties are set to meet again next week to finalize the coverage arrangements,†dagdag pa ni Salud.
Ibinasura ng PBA board ang panukala ng Sports5 sa gagawing pagbabago sa coverage ng mga laro sa IBC-13.
Sa kanilang proposal, ang double-headers sa Linggo ay magsisimula sa alas-2:30 ng hapon at ang ikalawang laro ay sa alas-4:45 ng hapon mula sa dating mga oras na alas-4:15 ng hapon at alas-6:30 ng gabi.
Siniguro ng mga network officials sa PBA na ang mga laro tuwing Linggo ay isasaere sa TV5 at sa sister channel sa UHF band na Aksyon TV.
Ngunit ang weekday games sa TV5 ay puno ng primetime programming.
Base sa proposal, ang simula ng mga laro sa Miyerkules at Biyernes ay nakatakda sa alas-5:45 ng hapon at ang ikalawang laro ay sa alas-8 ng gabi.
- Latest