^

PM Sports

“Di aabot ng 12-rounds ang laban”-- Cuello

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Denver Cuello na hindi aabot ng 12 rounds ang kanilang laban ni WBC minimumweight champion Xiong Zhao Zhong ng China at nangakong siya ang mananatiling nakatayo sa pagtiklop ng kurtina sa World Trade Center sa Dubai bukas.

Nagtungo sina Cuello, manager Aljoe Jaro, cornermen George Sol at Romualdo Mahinay at sparring partner Lionel Legada noong nakaraang linggo pa-puntang Dubai.

Ito ang unang title fight ni Cuello matapos maging isang pro boxer noong 2004 at nagtala ng 33-4-6 record kasama ang 21 KOs. 

Noong 2010 ay nagkaroon ng tsansa si Cuello na makalaban para sa korona, ngunit pinili ng kampeon ang mas magaang na kalaban.

“Hindi ito tatagal ng 12 rounds,” sabi ni Cuello.  “Hindi ko binabalewala si Zhong. Nirerespeto ko siya bilang isang champion.”

Sinabi pa ng 26-anyos na si Cuello na ang kanyang pagsagupa kay Zhong ang magpapakita ng kanyang husay.

Sumabak na si Cuello sa halos 80 rounds ng sparring bilang paghahanda kay Zhong. 

Noong nakaraang linggo ay tumimbang siya ng 118 pounds.  At sinabi niyang hindi magiging problema ang pagpapababa niya ng timbang sa 105 pounds.

Ayon kay Cuello, inaalay niya ang laban sa kanyang asawang si Rowena, sa kanilang 3-anyos na anak na si Prince at sa kanilang paparating na sanggol.

Nasa kanyang ikaanim na buwan ang ipinagbubuntis ni Rowena.

“This is the biggest fight of my career,” sabi ni Cuello.  “I’m fighting for my family.  I don’t want my children to experience what I went through as a boy living in poverty.  I thank God for giving me this opportunity to become a world champion.”   

vuukle comment

ALJOE JARO

CUELLO

DENVER CUELLO

DUBAI

GEORGE SOL

LIONEL LEGADA

NOONG

ZHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with