^

PM Sports

NCAA magdaraos pa rin ng out-of-town games

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon pa rin ng pagkakataon ang mga panatiko ng NCAA sa malalayong probinsya na mapanood ang mga iniidolong players sa kanilang harapan.

Sinabi ng bagong Po-licy Board president na si  Br. Dennis Magbanua ng College of St. Benilde na kanilang ipagpapatuloy ang nasimulan ng Letran noong nakaraang taon na pagdaraos ng mga out-of-town games sa men’s basketball.

“We have not yet finalized our plans but definitely we will be holding out-of-town games sometime in August,” wika ni Magbanua.

Sa Season 88 ay nagdaos ng mga out-of-town games ang basketball sa Sta. Cruz, Laguna at Subic Bay para mailapit ang liga sa mga tumatangkilik sa probinsya.

“We plan to hold out-of-town games twice-a-year and will feature four NCAA teams per game. Our first  out-of-town games will be in the first round sometime in August, although we still have to determine the date and the place where we will hold the games,” dagdag ni Magbanua.

Hindi pa naman napag-uusapan kung tutularan din ng St. Benilde ang gina-wang pagdaraos ng ibang larong nakahanay sa labas ng Metro Manila. Ang beach volley ay idinaos din sa Subic noong Season 88.

Unang ikokonsidera ay ang pondo ng liga lalo pa’t malaking pera rin ang kailangang igugol dahil hindi lamang isang araw kungdi ilang araw tatagal ang aksyon sa isang sports na balak ilabas ng Metro Manila.

Opisyal na itataas ang telon sa Season 89 sa NCAA sa Sabado sa Mall of Asia sa Pasay City at ang opening ceremony ay itinakda sa ganap na ika-2:30 ng hapon.

Ang unang laro ay sa ganap na ika-4 ng hapon sa pagitan ng 3-time defending champion San Beda at host St. Benilde na susundan ng palitan ng buslo ng San Sebastian at Letran dakong alas-6:00 ng gabi.

COLLEGE OF ST. BENILDE

DENNIS MAGBANUA

LETRAN

MAGBANUA

MALL OF ASIA

METRO MANILA

PASAY CITY

SA SEASON

SAN BEDA

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with