^

PM Sports

Hot And Spicy, Big Leb nanalo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang kabayo na hin­di pinalad na manalo sa ini­largang 1st leg ng Phil­racom Triple Crown at Hopeful Stakes races ang kuminang noong Biyernes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang Hot And Spicy na sinakyan pa rin ni Jeff Zarate ay nakitaan ng ba­ngis nang dominahin ang 3YO Handicap 5 race sa 1,600-metro distansya.

Sa pagbukas lamang ng aparato at nakala­mang na ang Balbonic sa Hot And Spicy.

Pero hindi pa uma­abot sa unang kurbada ay lider na ang nasabing kabayo.

Mula rito ay hindi na nanlamig pa ang Hot And Spicy para manalo ng halos tatlong dipa sa Five Star.

Bitbit ang pinakamabi­gat na peso na 57-kilos, ang panalo ng Hot And Spicy ay magandang sen­yales sa pla­nong higitan ang pa­nga­­lawang puwestong pag­­tatapos.

Ito ay nangyari sa 1st leg ng Triple Crown no­ong Mayo 18 sa Metro Turf Club sa Malvar, Ba­tangas.

Kondisyon rin ang ka­bayong Big Leb nang pa­ngatawanan ang pagiging outstanding favorite sa unang karerang pinagla­ba­­nan.

Hindi bumigay ang ka­­­bayong iginiya ni Jessie Guce sa panglulutsa ng mga naunang nakasa­bayan at kinakitaan pa ng lakas sa pagtakbo sa rek­ta para dominahin ang walong kabayong karera na naglaban sa 3-YO NHG Handicap 4 race.

Sa isang milyang distansya rin isinagawa ang ka­rera at iniwan ng patok na kabayo ang rumema­teng Santino's Best ng ha­los dalawang milya sa me­ta.

Ang Big Leb ang na­nalo sa unang yugto ng 2013 Philracom Hopeful Stakes Race at ang ipi­nakita ay ma­aaring mag­tulak para ipa­sok ang kabayo sa 2nd leg ng Phil­racom Triple Crown sa Hunyo 15.

 

vuukle comment

ANG BIG LEB

ANG HOT AND SPICY

BIG LEB

FIVE STAR

HOPEFUL STAKES

HOT AND SPICY

JEFF ZARATE

SHY

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with