^

PM Sports

Howard ikokonsidera ang ibang teams

Pang-masa

MANILA, Philippines - Alam na natin na maraming magiging usap-usapan at lalabas na balita ukol sa magiging desisyon ni Dwight Howard ngayong summer.

Ang tinatawag na ‘Dwightmare’ ay nagsimula na bagama’t may anim na linggo pa bago ito maging opisyal na free agent.

Napabalita nang makikipag-usap si Howard sa ibang teams bukod sa Lakers pagsapit ng free agency at sinabi niyang pag-aaralan muna niyang maigi ang kanyang magiging options.

May mga lumalabas nang mga balita ukol sa mga teams na interesado kay Howard.

Habang umaasa ang Lakers na magiging mabilis ang pagdedesisyon ni Howard sa kanyang free agency ngayong summer, hindi naman nagbigay ang All-Star center ng indikasyon na mananatili siya sa Lakers.

Bagama’t may anim na linggo pa bago maging unrestricted free agent si Howard, may balitang naintriga ito sa Houston Rockets.

Bakit Houston? Una ay dahil kay James Harden.

Nais ni Howard na lumaro kasama ng mga maga-galing. Bukod kay Harden, mayroon ding Chandler Parsons at Omer Asik ngunit may posibilidad na baka mawala ang alinman sa dalawang ito para ma-afford ng Rockets ang suweldo ni Howard.

Binanggit din ng Mavericks sa kanilang huling report na magkakaroon na sila ng espasyo sa sa-lary cap para makuha si Howard. Dahil mababawasan na ang suweldo ni Dirk Nowitzki, makakahinga ang Dallas sa salary cap.

 

vuukle comment

ALAM

BAGAMA

BAKIT HOUSTON

CHANDLER PARSONS

DIRK NOWITZKI

DWIGHT HOWARD

HOUSTON ROCKETS

HOWARD

JAMES HARDEN

OMER ASIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with