National athletes hindi mapaparusahan kapag hindi sasali sa PNG kung...
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Philippine Sports Commission na hindi papatawan ng kaparusahan ang mga atletang nakatakdang sumabak sa international competition sakaling hindi sila makalahok sa darating na 2013 Philippine National Games.
Ito ang reaksyon ni PSC chairman Richie Garcia sa naunang paha-yag ng Amateur Boxing Association na hindi nila pasasalihin ang kanilang mga atleta sa PNG.
Sinabi ni ABAP exe-cutive director Eds Picson na baka magkaroon ng injury ang kanilang mga boksingero kapag sumabak sa PNG at hindi na makalahok sa ilang international meet.
“Ang mga referees ang magde-determine kung kaya pa nu’ng bata. Kung hindi nila alam, wala silang karapatang maging opisyal,†wika ni Garcia sa ABAP.
Nakatakda ang PNG sa Mayo 25 at magtatapos sa Hunyo 2 sa Rizal Memorial Sports Complex at sa iba pang sports venue sa Metro Manila.
Ang mga atleta namang walang sasalihang international event ngunit hindi lalaro sa PNG ay maaaring sibakin sa National pool o bawasan ng monthly allowance.
“Athletes who belongs to the 10 priority sports identified earlier by the PSC on instruction by President Aquino receives monthly allowance of P40,000,†sabi ni Garcia. “Such financial perks will be reduced to say, P15,000 or whatever is the amount specified in the classification he or she will be demoted.â€
Kabuuang 112 atleta ang nasa priority pool na kinabibilangan ng boxing, taekwondo, athletics, swimming, wushu, archery, wrestling, bowling, weightlifting at billiards.
Kabuuang 41 sports events ang nakalatag para sa nasabing 10-day event.
- Latest