^

PM Sports

Grizzlies pinaghahandaan ang unang conference finals

Pang-masa

MEMPHIS, Tenn. –Ini-enjoy ng Grizzlies ang kanilang day off matapos  angkinin ang unang tiket ng prangkisa sa Western Conference finals. Mabuti ito para makapagpahinga sila  dahil kailangan nila ito pagkatapos ng kanilang serye kontra sa Oklahoma City.

Dinispatsa ng Memphis ang defending Western champion Oklahoma City sa limang games matapos igupo ang Thunder, 88-84 sa road game noong Miyerkules. Hinihintay na lamang ng Grizzlies ang mananalo sa San Antonio at Golden State.

Pinag-day-off ni Grizz-lies coach Lionel Hollins ang kanyang mga players nitong Huwebes dahil ang  Western finals ay pinakamaagang magsisimula sa Linggo pa.

“The playoffs are stressful for the players and physically taxing as well as the emotional part,’’ sabi ni Hollins. “Anytime you can get a chance to take a day off and just get away from the game and energize your batteries and reflect a little bit and move forward it’s great.’’

Makakatulong ang pahinga sa Grizzlies na nanguna sa NBA sa regular season sa paglimita sa mga kalaban sa average na 89.3 points.

At pinanindigan nila ang pagiging No. 5 seed  nang kanilang dispatsahin ang malakas na Clippers, at ang Oklahoma City na pinangunahan ni Kevin Durant na dalawang team na malakas ang opensa.

Kontra sa Thunder, kailangang depensahang maigi ng Memphis si three-time NBA scoring leader Kevin Durant na binalya-balya nina Tony Allen, Tayshaun Prince, Quincy Pondexter at pati si guard Jerryd Bayless na siyang dahilan para mapagod ito na nagbunga ng apat na sunod na pagka-talo ng Thunder matapos manalo sa Game 1.

GOLDEN STATE

JERRYD BAYLESS

KEVIN DURANT

LIONEL HOLLINS

OKLAHOMA CITY

QUINCY PONDEXTER

SAN ANTONIO

TAYSHAUN PRINCE

TONY ALLEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with