^

PM Sports

EA Regens magpapalakas para sa Top 2 position

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Papalakasin pa ng baguhang EA Regens ang paghahabol sa unang dalawang puwesto sa PBA D-League Foundation Cup sa pagharap sa Big Chill ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nasa ikaapat na puwesto sa team standings ang Team Delta sa 5-3 kar­ta ngunit sakaling talu­nin nila ang Superchar­gers ay makakasalo sila sa ikatlong puwesto na nga­yon ay hawak ng Fruitas Shakers.

Ang laro ay itinakda dakong alas-4 ng hapon at pinalakas ang tropa ni coach Allan Trinidad sa pagkuha kay Alex Nuyles na dating manlalaro ng Big Chill.

Unang magtatapat sa ga­nap na ika-2 ng hapon ay ang Café France at Cagayan Valley na pareho ring palaban para sa top two spots na mabibigyan ng awtomatikong puwesto sa semifinals.

Magkatabla sa 5-4 ba­raha ang Bakers at Rising Suns kaya’t ang matatalo ay maghahabol na lamang ng puwesto sa quarterfinals.

Galing sa panalo ang tropa ni coach Allan Trinidad sa huling laro ngunit dismayado ang coach dahil sa dikitang 88-82 lamang tinalo ng koponan ang nangungulelat na Informatics Icons.

“Makakatulong marahil sa amin ang pahinga na nangyari at ang pagdating ni Alex,” wika ni Trinidad.

Hindi puwedeng mag­pa­baya ang EA Regens da­hil ang tropa ni coach Ro­bert Sison ay kaila­ngang manalo para manati­ling bu­hay ang pag-asang huwag lumasap ng maagang bakasyon.

May 5-5 karta ang Su­perchargers at nasa ika­walo at siyam na puwesto ka­salo ang Cebuana Lhuil­lier.

Sa format ng liga, ang mahuhuling anim na koponan matapos ang single round eliminations ay ma­mamaalam na.

 

vuukle comment

ALEX NUYLES

ALLAN TRINIDAD

BIG CHILL

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUIL

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FRUITAS SHAKERS

INFORMATICS ICONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with