Shanghai Sharks ni NBA star Yao Ming sasagupa sa Gilas Pilipinas II ngayon
MANILA, Philippines - Retirado na si Yao Ming at kailanman ay hindi na magÂlalaro.
Sa pagsagupa ng bisitang Shanghai Sharks sa Gilas Pilipinas II ngayong alas-7:30 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City, mananatili sa kanyang upuan si Yao bilang chairman ng nasabing Chinese basketball team.
“I’m afraid it may not happen, my injury will not allow me to do that plus there’s no jersey for me anymore,†sabi ng 7-foo-6 na si Yao kahapon sa isang press conference para sa ‘Philippine-China Friendship Games’ sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel and Casino sa Pasay City.
Dahil sa kanyang mga injury, napilitan si Yao na magÂretiro noong 2011.
Walong seasons siyang naglaro para sa Houston Rockets.
Sa kanilang pagharap sa Nationals ni coach Chot ReÂyes, sinabi ni Sharks mentor Wang Qun na napag-araÂlan na nila ang istilo ng nasabing koponan.
“We did watch some of the game tapes of the PhiÂlipÂpine team before the trip,†wika ni Wang.
Inaasahan ng Sharks na gagamitin ni Reyes ang laÂhat ng miyembro ng Gilas Pilipinas II.
“I was expecting a full lineup of the team. But I’m not sure if they will play a full team,†wika ni Wang.
Sinabi naman ni Yao na magiging magandang laban ang banggaan ng Sharks at Nationals.
“We fully respect our opponent. We are prepared. Hopefully, it will be an exciting game,†wika ni Yao sa Sharks, magtatampok kina Chinese national team memÂbers Liu Wei at Zhang Zhaoxu.
Ipaparada ng Gilas Pilipinas sina naturalized player MarÂcus Douthit, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Jeff Chan at Gary David at sina cadet members Greg Slaughter, Kevin Alas, RR Garcia, GarÂvo Lanete, Matt Ganuelas, Jake Pascual at Ronald Pascual.
- Latest