Miami lumapit sa Sweep; Chicago tumaas sa 2-1, Memphis nakadikit
MILWAUKEE -- Umiskor si Ray Allen ng limang three-point shots at tumapos na may team-high na 23 points para banderahan ang Miami Heat sa 104-91 panalo laban sa Milwaukee Bucks at iposte ang malaking 3-0 bentahe sa kanilang first-round playoff series.
Humakot naman si Chris Bosh ng 16 points at 14 rebounds para sa Heat, nakamit ang kanilang ika-11 sunod na panalo mula sa regular season at 40 sa kanilang huling 42 laro.
Kumolekta si Chris Andersen ng 11 points mula sa kanyang 5-of-5 shooting at kumalawit ng 6 rebounds.
May pagkakataon ang Heat na walisin ang kanilang playoff series sa unang pagkakataon matapos sumama sina LeBron James at Bosh kay Dwyane Wade sa Miami sa kanilang pagsagupa sa Bucks sa Game 4 sa Linggo.
“This is the next step in our development,†sabi ni James.
Nakamit na din ng Heat ang isang 3-0 lead sa kanilang first-round series kontra sa Philadelphia 76ers noong 2011 at laban sa New York Knicks noong 2012.
Ngunit pareho silang naitulak sa Game 5 na gusto nilang basagin sa pakikipaglaban sa Bucks.
Gumawa si Luc Mbah a Moute ng dalawang free throws na nagbigay sa Bucks ng 61-55 abante sa 7:14 sa third quarter.
Ngunit hindi basta-basta bumigay ang Heat.
Nagsalpak si Udonis Haslem ng isang layup at dalawang free throws kasunod ang tirada ni Mario Chalmers para sa isang 23-7 run na nagbigay sa Miami ng 78-68 kalamangan sa fourth quarter.
Sa Memphis, nagtala si Zach Randolph ng 27 points para sa 94-82 panalo ng Grizzlies laban sa Los Angeles Clippers para sa kanilang 1-2 agwat sa serye.
Sa Chicago, nagtala si Carlos Boozer ng 22 points at 16 rebounds, habang naglista si Luol Deng ng 21 points at 10 boards para sa 79-76 panalo ng Bulls sa Brooklyn Nets at kunin ang 2-1 bentahe sa serye.
- Latest