^

PM Sports

Blackwater Sports nanalo pero nanakawan sa dugout Mga cellphones, wallets ng players tinangay

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumapit sa isang panalo ang Blackwater Sports pa­ra makopo ang mahalagang insentibo na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan matapos ang eli­minasyon nang kalusin ang EA Regens, 71-67, sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Nakahirit ng mahalagang three-point play si Justine Chua sa huling 26 segundo upang ang isang puntos na kalamangan ay maging apat na sapat na para tuhugin ng Elite ang ikalimang sunod na tagumpay.

Higit dito, ang panalo ay ikapito sa walong laro at kai­langan na lamang ng tropa ni coach Leo Isaac na ma­nalo sa NLEX sa sunod na laro para ma­kaabante na sa semifinals.

May 11 puntos at 9 boards si Chua at siyam rito ay ginawa sa second half para manaig sa tagisan nila ni Ian Sangalang na tumapos taglay ang 14 puntos at 13 rebounds.

Si Gio Ciriacruz ay namuno sa Elite sa 17 puntos, ha­bang 15 puntos, l0 rebounds at 9 assists ang hatid ni Allan Mangahas.

Ang Team Delta na humugot lamang ng limang pun­tos at siyam na rebounds ay bumaba sa 4-3 baraha ka­salo ang Fruitas sa ikalima at anim na puwesto.

Ang tagumpay ay tumabon sa nakawan na nangyari sa locker room ng Elite.

Kinuha ng Boracay Rum ang ikalawang sunod na pa­nalo at 5-3 karta sa pangkalahatan nang padapain ang Café France, 55-50, sa isa pang laro.

ALLAN MANGAHAS

ANG TEAM DELTA

BLACKWATER SPORTS

BLUE EAGLE GYM

BORACAY RUM

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

IAN SANGALANG

JUSTINE CHUA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with