^

PM Sports

Letran, San Sebastian mag-uunahan sa pagsilip ng kanilang tsansa sa quarters

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang Le­tran at ang San Sebastian na buhayin pa ang mga nan­lalamig nilang kam­panya sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference sa  tampok na laro sa pagpapatuloy ng mga labanan sa The Are­na sa San Juan City.

Parehong hindi pa nananalo ang Lady Knights at Lady Stags matapos ang dalawang laro kaya’t ti­yak na ang panalong ma­hahagip sa larong iti­nakda sa ganap na alas-4 ng hapon ay makakatulong para pataasin muli ang kani-kanilang kumpiyansa.

Ang nagdedepensang kampeon at walang ta­long Ateneo at Universi­ty of Sto. Tomas ang naka­usad na sa quarterfinals sa Group A, habang ang La Salle Dasmariñas ay nag­hahabol ng puwesto.

Pamumunuan ang La­dy Stags ng mahusay na si Thai player Jeng Bualee, ngunit kailangang magi­sing din ang ibang kakampi para mabig­yan ito ng suporta at maging mas madali ang hanap na panalo sa palaban ding Lady Knights.

Walisin ang Group B ang hangad ng National University sa pagsukat sa lakas ng NCAA champion Perpetual Help sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

Nauna nang pinataob ng Lady Bull­dogs ang Arellano, Adamson at Uni­versity of San Carlos Ce­bu matapos sandalan si 6-foot-2 Dindin Santiago na gu­mawa ng 59 puntos.

 

vuukle comment

DINDIN SANTIAGO

FIRST CONFERENCE

GROUP A

GROUP B

JENG BUALEE

LA SALLE DASMARI

LADY BULL

LADY KNIGHTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with