Bumandera ang Don Joaquin
MANILA, Philippines - Bumandera sa huÂling 10-metro ang Don JoaÂquin upang manalo sa apat na kabayong nag-uunahan sa meta noong SaÂbado sa San Lazaro LeiÂsure Park sa Carmona, CaÂvite.
Naipasok ni jockey JPA Guce sa balya ang Don Joaquin matapos maÂantala dahil nasa unahan ang Yes Mayor at Zehn Yap at dahil maluwag na ang daanan ay nakaharurot at maunang tumawid sa meta.
Paborito ang Don Joaquin sa karera at unang lumusot ang ulo ng kabayo sa pumangalawang at dehado pang Yes Mayor ni LT Cuardra Jr. bago dikit na tumawid ang second choice Zehn Yap at Tigerous Sword.
Isang handicap race (2) ang karera na pinaglabanan sa 1,400 metrong disÂtansya at ang winning time ng Don Joaquin ay nasa 1:34.6 sa kuwartos na 12’, 25’, 26’, 30 kuÂwarÂtos.
Ikalawang sunod na paÂnalo rin ito ng tambalan at pinangatawanan ang paÂgiging paborito sa 13 kaÂbayo na naglaban para maÂkapaghatid ng P8.00 diÂbidendo.
Dehado ang Yes MaÂyor kaya’t umabot sa P116.50 ang dibidendo sa 4-12 forecast.
Ibayong bilis din ang naÂkita sa kabayong ConÂquisÂta Roll para manalo sa class division 6 na piÂnaglabanan sa 1,400m.
Nalagay sa ikaapat na puwesto ang kabayong.
Nakapaghatid ang SuÂÂlong Pinoy ng P6.50, haÂbang P132.50 ang ibinigay sa 5-11 forecast.
- Latest