^

PM Sports

Sabillo hinirang ng WBO bilang bagong minimumweight king

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuluyan nang ipinagkaloob ng World Boxing Or­ga­nization ang regular na minimumweight title kay Filipino fighter Merlito Sabillo.

Ito ay base sa pinakahuling ulat sa rankings ng WBO website.

Ang dating WBO minimumweight champion na si Moises Fuentes ng Mexico ay ang No. 1 contender pa­ra sa light flyweight division kung saan ang nagde­depensang kampeon ay si Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Tangan ni Sabillo ang 21-0-0 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 11 KOs.

Tinalo ni Sabillo si No. 1 ranked Luis de la Rosa (21-1-1) ng Columbia noong Maso 9 para sa interim title via 8th round TKO.

Sa pag-akyat ni Fuentes sa light flyweight class ay binakante nito ang kanyang minimumweight belt.

Nauwi sa draw ang paghahamon ni Fuentes kay Nie­tes noong Marso 2 sa Cebu.

“I’m very happy with this development because it came during a time when Philippine boxing is down with the recent loses of Brian Viloria and Nonito Do­naire. We’re happy to add another world champion for the Philippines,” wika ni ALA Boxing Promotions president Michael Aldeguer.

 

BOXING PROMOTIONS

BRIAN VILORIA AND NONITO DO

FUENTES

MERLITO SABILLO

MICHAEL ALDEGUER

MOISES FUENTES

SABILLO

SHY

WORLD BOXING OR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with