Puwestuhan sa last day unahan sa best-of-3 q’finals
MANILA, Philippines - Hangad ng Meralco ang makapasok sa Top 6 para makakuha ng lugar sa best-of-3 quarterfinals sa pakikipagharap kontra sa Rain or Shine sa huling playdate ng PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Makakaharap ng Bolts ang Elasto Painters sa alas-5:15 ng hapon kung saan halos no-bearing na sa huli dahil sigurado na sila sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals bunga ng kanilang 9-4 panalo-talo.
May 6-7 record naman ang Meralco na kapag nanalo ay makakasiguro ng Top 6 finish at lugar sa best-of-3 quarterfinals dahil magkakaroon ng superior quotient sa mangyayaring 3-way tie sa 7-7 kasama ng Barangay Ginebra at Petron Blaze o Talk ‘N Text.
Maghaharap pa sa alas-7:30 ng gabing laro na tatapos ng eliminations ang Boosters at Tropang Texters na may parehong 7-6 karta.
Alam ng Bolts kung ano ang kanilang gusto at kung ano ang kaila-ngan nilang gawin para makuha ito.
“We want to give ourselves the best possible opportunity to make the Final 4. Probability-wise, a slot in the best-of-3 quarterfinal finish is only achievable if we win against Rain or Shine,†pahayag ni Meralco head coach Ryan Gregorio.
Kung mananalo sa Elasto Painters, makakaharap ng Bolts ang San Mig Coffee (8-6) sa best-of-3 quarterfinals na magsisimula agad sa Biyernes sa Big Dome.
Pero kapag natalo ay babagsak sa No. 7 ang Meralco at haharap sa Rain or Shine na may twice-to-beat advantage sa quarterfinals na magsisimula sa Sabado dahil sa pagiging No. 2 nito tulad ng elims topnotcher at No. 1 seed na Alaska (11-3) kontra sa No. 8 Air21 (6-8).
Bagamat halos no-bearing game para sa kanila, ayon kay Rain or Shine head coach Yeng Guiao, nais pa rin nilang tapusin ang kanilang magandang ipinakita sa elims sa pamamagitan ng panalo at wala silang pakialam kung sino ang kanilang makakaharap sa quarterfinals. Kapag natalo sa Meralco ay Barangay Ginebra ang makakalaban ng Elasto Painters sa Sabado.
1 vs 8, 2 vs. 7, 3 vs 6 at 4 vs 5 ang magiging quarterfinal pairings base sa mga pagtatapos ng mga teams.
- Latest