^

PM Sports

Hahabol na ang NLEX

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - May tiwala si NLEX coach Boyet Fernandez na handa na uling lumaban ang kanyang mga alipores para paigtingin ang paghahabol sa ikalimang sunod na titulo sa PBA D-League.

Galing ang Road Warriors sa 90-54 panalo laban sa baguhang Hog’s Breath para wakasan ang dala-wang dikit na pagkatalo na bumulaga sa koponan.

“Marami kaming natutunan sa mga talo namin and hopefully magtutuluy-tuloy na ang pagpapanalo namin,” wika ni Fernandez.

Katunggali ng NLEX ang Boracay Rum sa ganap na ika-12 ng tanghali sa pagpapatuloy ng Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Ang Waves ay may 3-2 karta at galing din sa 85-75 panalo sa EA Regen Med sa huling laro.

Samantala, manatili sa tuktok ng team standings ang balak gawin ng Fruitas sa pagharap sa Cagayan Valley sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon habang ang tagisan ng Cafe France at EA Regen Med ang huling laro dakong alas-4 ng hapon.

Hindi pa natatalo ang Shakers matapos ang tatlong laro at papasok sila sa labanan mula sa 13-araw na pahinga upang maging sariwa sa inaasahang mahigpitang labanan.

“Ang mahabang pa-hinga ay nakatulong para mabawi namin ang aming lakas matapos ang mahihirap na laro sa huling dalawang labanan,” ani Shakers coach Nash Racela.

Saluhan uli sa ikalawang puwesto ang pahi-ngang Blackwater Sports ang layunin ngayon ng Bakers.

ANG WAVES

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

CAFE FRANCE

CAGAYAN VALLEY

FOUNDATION CUP

NASH RACELA

QUEZON CITY

REGEN MED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with