^

PM Sports

Ginebra umangat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umakyat sa solo fourth place sa team standings ang Barangay Ginebra nang talunin nito ang Air21, 90-84 sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Naitala ng Kings ang kanilang panglimang sunod na panalo na tumabla sa kanilang pinakamahabang win streak ngayong season – at umakyat sa 6-5 karta bagama’t wala ang tatlong key players na sina Mark Caguioa (MCL injury), Kerby Raymundo (trangkaso) at Rico Maierhofer (plantar fasciitis).

“Sabi ko sa kanila, tingnan nila ang nasa tabi nila sa bench. Yun lang ang makakasama niyo. Wag nilang hanapin ang wala dito,” pahayag ni Barangay Ginebra head coach Alfrancis Chua sa post-game interview.

“Wala si Mark, wala si Kerby, wala si Rico… ang hirap pero I have to give it to the boys. Lahat nag-contri-bute. Ipinakita nila ang kanilang never-say-die attitude. Iba talaga puso nila,” dagdag pa ni Chua sa panalong pambawi sa 74-70 pagkatalo sa Express noong Feb. 10.

Napaboran ang Gins sa pagkaka-foul out ng import ng Air21 na si Michael Dunigan may 4:15 pa ang natitira sa laro. Permanenteng lumabas ng laro si Dunigan, ang second leading scorer ng conference, pagkatapos niyang bigyan ang Express ng 79-76 kalamangan mula sa pagkabaon sa 14 points sa first quarter at 10 sa unang minuto ng huling yugto.

Ang pagkawala ni Dunigan ang ginawang mitsa ng Barangay Ginebra para sa 14-5 rally sa pangunguna ni Vernon Macklin na nagtapos na may 32 puntos, 11 rebounds at tigalawang assists, steals at shotblocks.

Nagtapos din na may double-double na 18 puntos at 10 rebounds bukod pa sa anim na assists at isang steal si LA Tenorio at nagdagdag naman ng tig-10 puntos sina Elmer Espiritu at rookie Chris Ellis.

Ang 29 puntos naman ni KG Canaleta ang nanguna para sa Air21 na natalo sa kanilang pangalawang sunod na laro at bumaba sa  5-7 record. (FM)

BARANGAY GINEBRA 90 - Macklin 32, Tenorio 18, Ellis 10, Espiritu 10, Helterbrand 6, Labagala 4, Mamaril 4, Baracael 3, Wilson 2, Taha 1, Hatfield 0.

 Air21 84 - Canaleta 29, Dunigan 16, Cortez 12, Sena 8, Baclao 8, Custodio 6, Arboleda 3, Menor 2, Atkins 0, Wilson 0, Isip 0, Omolon 0, Ritualo 0.

 Quarterscores: 28-17, 46-41, 70-61, 90-84.

 

ALFRANCIS CHUA

BARANGAY GINEBRA

CANALETA

CHRIS ELLIS

DUNIGAN

ELMER ESPIRITU

KERBY RAYMUNDO

MARK CAGUIOA

MICHAEL DUNIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with