^

PM Sports

Pachulia hindi na makakalaro sa season

Pang-masa

ATLANTA -- Sasailalim si Atlanta Hawks center Za­za Pachulia sa isang surgery para sa kanyang su­ma­­sakit na kanang Achilles at hindi na makakalaro nga­yong season.

Sinabi ng Hawks na nakatakda ang surgery ng 29-anyos na si Pachulia sa Miyerkules sa Charlotte, N.C.

Anim na buwan ang posibleng itagal ng pag-reco­ver ni Pachulia.

At maglalaro ang Hawks sa NBA Playoffs na wala ang isa pang mahalagang miyembro ng bench.

Nauna nang nawala sa koponan si guard Lou Williams na nagkaroon ng knee injury.

“‘I think this is the right decision,” wika ni Pachulia bago labanan ng Hawks ang Orlando Magic. “I’ll be able to come back as soon as possible. It’s a partial tear ... I’ll take this injury rather than a total rupture.”

Sa 52 laro ngayong season, nagtala si Pachulia ng mga averages na 5.9 points, 6.5 rebounds at 1.5 assists sa loob ng 21.8 minuto.

Nakatakda siyang maging isang unrestricted free agent sa pagtatapos ng season.

Hindi rin nakalaro para sa laban ng Hawks kontra sa Ma­gic sina center Al Horford at backup guard John Jen­kins.

vuukle comment

AL HORFORD

ATLANTA HAWKS

JOHN JEN

LOU WILLIAMS

MIYERKULES

NAKATAKDA

NAUNA

ORLANDO MAGIC

PACHULIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with