Thunder iginupo ang Blazers
OKLAHOMA City, Philippines -- Matapos ang isang technical foul sa kanyang head coach, kinontrol ni Russell Westbrook ang laro at tinulungan ang Oklahoma City Thunder sa 103-83 paggupo sa Portland Trail Blazers.
Kumolekta si Kevin Durant ng 24 points at 10 rebounds, habang may 21 markers si Westbrook na siyang nagbida sa atake ng Oklahoma City sa third quarter.
Nagdagdag si Serge Ibaka ng 16 points mula sa kanyang 7-of-9 shooting na kanyang ginawa lahat sa second half para sa Thunder (52-19), nakikipag-agawan sa San Antonio Spurs para sa top playoff spot sa Western Conference.
Nilimitahan ng Oklahoma City ang Portland sa 36 points sa kabuuan ng second half kung saan 15 ang kanilang naiskor sa fourth quarter.
Tumipa naman si Damian Lillard ng 19 points para sa Portland (33-37) na tumapos na may 2-3 record sa kanilang five-game road trip.
Ang Blazers ay may tatlong laro ang agwat sa Los Angeles Lakers sa labanan para sa pang-walo at hu-ling playoff spot sa Western Conference.
Tinawagan si Brooks ng isang technical foul sa 2:53 sa third quarter na siyang nagpainit kay Westbrook.
- Latest