^

PM Sports

Ikaapat na sunod para sa Express: Caguioa nagkaroon ng MCL sa kaliwang tuhod

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos tinriple ng Air21 ang iskor ng Globalport sa third quarter na naging mitsa sa 87-72 panalo ng Express kagabi sa 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Ara­neta Coliseum.

Bukod sa pag-angat sa solong pang-lima sa stan­dings sa kanilang 5-5 na panalo-talo karta dulot ng pang-apat na sunod na panalo nito ay naitala din ng Air21 ang pinakamahabang winning streak mula nang pumasok sa PBA noong nakaraang sea­son bilang Shopinas.com.

Tinapatan ni Wynne Ar­boleda, naka-siyam na puntos sa third quarter, ang iniskor ng buong koponan ng Batang Pier sa nasabing yugto para magbida sa pagbabalik ng Express mula sa pagkabaon na umabot sa 14 puntos sa first half.

Nagtapos ng may 12 puntos, 6 rebounds at 5 assists si Arbo­leda.

Ito ang pang-pitong sunod na kabiguan ng Glo­balport bagama’t nag­pa­rada ng bagong import sa katauhan ni Sylvester Morgan na nagtapos na may 23 points, 12 rebounds, 4 blocks, 2 steals at 1 assist.

Isang 14-3 run na pi­namunuan nina Japeth Agui­lar at Sol Mercado ang nagbigay sa Global­port ng 20-11 kalama­ngan mula sa 6-8 na pagkadehado sa unang yugto.

Sa second quarter ay nakisama na rin sa sco­ring sina Willie Miller at Mark Yee na nagsanib sa isang 8-0 run at palobohin pa sa pinakamalaking 29-15 ang bentahe ng Batang Pier.

Samantala, hindi ma­ka­kapaglaro si Mark Ca­guioa para sa Ginebra, itataya ang three-game winning streak laban sa Barako Bull, ngayon sa Big Dome.

Napag-alamang may Grade 1 MCL (medial col­lateral ligament) injury ang reigning MVP matapos ma-hyperextend nito ang kanyang kaliwang tu­hod sa 84-81 panalo  ng Kings kontra sa Meralco Bolts noong Biyernes.

Air21 87 - Dunigan 22, Canaleta 14, Cortez 14, Omolon 13, Arboleda 12, Ritualo 6, Isip 4, Wilson 2, Sena 0, Baclao 0, Menor 0, Custodio 0.

Globalport 72 - Morgan 23, Miller 16, Aguilar 11, David 9, Mercado 8, Lingganay 3, Yee 2, Mandani 0, Salvador 0, Adducul 0, Antonio 0.

Quarterscores: 13-20; 34-41; 62-51; 87-72.

BARAKO BULL

BATANG PIER

BIG DOME

GLOBALPORT

JAPETH AGUI

MARK CA

MARK YEE

MERALCO BOLTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with